Skip to main content

Mga Tuntunin ng Serbisyo

Epektibo: Nobyembre 15, 2024

Buod ng aming Mga Tuntunin

Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo (“Mga Tuntunin”) na ito ay bahagi ng Kasunduan para sa User – isang kontratang legal na ipinatutupad at sumasaklaw sa inyong paggamit ng X. Dapat ninyong basahin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo (“Mga Tuntunin”) na ito sa kabuoan, ngunit narito ang ilang pangunahing bagay na dapat ninyong tandaan:

  • Makakakita kayo ng advertising sa platform: Bilang kapalit ng pag-access sa Mga Serbisyo, maaaring magpakita ng advertising sa inyo ang X at iba pang third-party na provider at kasosyo.

  • Kapag nagpo-post ng Content at ginagamit ang Mga Serbisyo, dapat kayong sumunod sa Kasunduan para sa User at Angkop na Batas: May pananagutan kayo para sa paggamit ninyo ng Mga Serbisyo at sa inyong Content. Dapat kayong sumunod sa Kasunduan para sa User na ito, sa mga polisiyang nakapaloob dito, at sa lahat ng angkop na batas.

  • Dapat ninyong sundin ang mga tuntunin sa katanggap-tanggap na paggamit ng Mga Serbisyo: Hindi ninyo maaaring i-access ang Mga Serbisyo sa anumang paraan bukod sa kasalukuyang available at naka-publish na interface na ibinibigay namin. Halimbawa, ibig sabihin, hindi ninyo maaaring i-scrape ang Mga Serbisyo nang walang hayagang nakasulat na pahintulot ng X, subuking lusutan ang anumang teknikal na limitasyong ipinapataw namin, o kaya naman ay tangkaing abalahin ang pagpapatakbo ng Mga Serbisyo.

  • Mayroon kaming malalawak na karapatang magpatupad ng patakaran: Nakalaan sa X ang karapatang magpatupad ng patakaran laban sa inyo kung lalabagin ninyo ang mga tuntuning ito, gaya ng, halimbawa, pag-alis sa inyong Content, paglimita sa visibility, paghinto ng inyong access sa X, o pagsasagawa ng legal na aksiyon. Maaari din naming suspendihin o wakasan ang inyong account para sa iba pang dahilan, gaya ng kawalan ng aktibidad sa loob ng matagal na panahon, panganib na malantad sa usaping legal, o kawalan ng kakayahang mapagkakitaan. 

  • Mayroong Mga Lisensiya sa Intelektuwal na Pag-aari sa Mga Tuntuning ito: Mananatili sa inyo ang pagmamay-ari at mga karapatan sa alinman sa inyong Content na ipo-post o ibabahagi ninyo, at bibigyan ninyo kami ng lisensiyang malawakan at walang royalty upang gawing available ang inyong Content sa lahat ng iba pa sa mundo at hayaan ang iba na gawin din ito. Sa kabaligtaran, binibigyan namin kayo ng lisensya upang gamitin ang software na ibinibigay namin bilang bahagi ng Mga Serbisyo, tulad ng X mobile application, para lang sa layuning bigyan kayo ng kakayahan na gamitin at tamasahin ang benepisyo ng Mga Serbisyo. 

  • Sarili ninyong pananagutan ang inyong paggamit sa Mga Serbisyo: Ibinibigay namin ang Mga Serbisyo nang “AS IS” at “AS AVAILABLE”, at itinatatwa namin ang lahat ng warranty, responsibilidad, at sagutin sa inyo o sa iba pa sa lawak na pinahihintulutan ng batas. Maaari kayong malantad sa mapanakit o mapaminsalang content na na-post ng iba pang user. Ang Mga Serbisyo ay maaaring magbago paminsan-minsan, at maaari naming limitahan o wakasan ang pagkakaroon ng Mga Serbisyo o partikular na tampok sa inyo o sa iba pang mga user anumang oras. 

  • Mayroon kayong mga mekanismong pangremedyo at pangwasto, ngunit may limitasyon ang aming sagutin: Mayroon kayong karapatang wakasan ang kasunduang ito anumang oras kapag nag-deactivate kayo ng account at inihinto ninyo ang paggamit sa Mga Serbisyo. Tandaang hindi kami mananagot para sa ilang partikular na uri ng pinsala tulad ng inilalarawan sa kasunduan, at sakaling may mangyaring ganitong sitwasyon, ang pangkalahatan naming sagutin ay hindi lalampas sa kung anuman ang mas malaki sa $100 USD o sa halagang binayaran ninyo sa amin, kung mayroon man, sa loob ng nakaraang anim na buwan para sa Mga Serbisyong dahilan ng paghahabol. Dagdag pa rito, kung naniniwala kayo na nakopya ang Content sa paraang may paglabag sa copyright, nakadetalye ang proseso ng pag-uulat sa Mga Tuntuning ito. Kung tumatanggap kayo ng Serbisyo ng X sa European Union, maaari ninyong tutulan ang ilang partikular na pagpapasyang ginagawa namin sa ilalim ng Digital Services Act (Regulation (EU) 2022/2065) sa pamamagitan ng aming panloob na proseso o sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa labas ng korte tulad ng inilalarawan dito.

Pakitandaan din na nakapaloob sa Mga Tuntuning ito ang aming Patakaran sa Privacy (https://www.downtownmelody.com/_x/eC5jb20/privacy) pati na ang iba pang tuntuning angkop sa inyong paggamit sa Mga Serbisyo at sa inyong Content. Bilang panghuli, maaaring mag-iba-iba ang Mga Tuntuning ito depende sa kung saan kayo naninirahan, ngunit sa kahit anong sitwasyon, dapat ay nasa 13 taong gulang pataas na kayo upang magamit ang X.